Hindi lahat ng salitang tama ay tunatama May hinala na tama Meron din tamang hinala May tama sa ulo literal na siraulo Yung iba sobrang talino. Puro tama nasa ulo Hindi lahat ng tama kabaliktaran mali Meron din amats na halos hindi ka mapakali Si whitney namatay sa sobrang tama Si ninoy namatay sa NAIA meron siyang tama na tama May tama na magkakaroon ka ng pasa sa buong mong katawan At yung iba namamaga may tama na magkakaroon ka Ng pasa sa ilalim ng yung mata kasi umaga na pala At tinamaan ka ng tama na kaya kang puyatin Hindi ko trip yung tama, ayoko nang ulitin May tama na, tama na, ayoko na May mga tama din na gusto ko pa, naloko na Hindi lahat ng salitang mali. Mali Yung mali para sa tama matatawag bang mali May tama sa mali, kaya gumawa sya ng mali Hinahabol nya yung tama sa paraang mali Mali ba na ginagawa mong tama ang mali Makukulong yung tama dahil may pera yung mali Mali ang pumatay ng taong nagaagaw buhay Pero tama ang mabuhay na parang wala kang buhay Akala mo mali ka, mali ka ng akala Nagkamali ka, dahil mali ka ng hinala Mali ba ang nagkamali ka lang May mali ba sa mang mang kung ang ang mali di niya alam?