Di uusad kung lakad ay paatras Nakakandado ang dapat na bukas Bumangon at ng maunawaan mo Kung ano ang siyang pinaglaban ko Habang panahon nalang ba tayong magtuturuan At sa malambot na higaan ay mag-uunahan Sigawan at sumabatan ng anumang kakulangan Bago pa mapunta sa iba teka ako naman Sino ba'ng may kasalanan na madumi ang mukha Kahit busog na sa palay nakabaonon ang tuka Paano maniniwala kung palaging sagot Ay baka wala namang tutugma pero tula ng tula Kaya minsan ba'y naiisip mo na ang noon Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon Wag magtaka kung ba't lumalabo ang tubig sa balon Dahil hanggang ngayon ay di pa tapos ang rebolusyon Di uusad kung lakad ay paatras Nakakandado ang dapat na bukas Bumangon, panindigan mo ang tugon Dahil di pa tapos ang rebolusyon Ang nais ko rin naman ay mapayapang paraan Ngunit kailangang sumalag kapag ika'y inundayan Ng patalim sa dilim nagkalat na sakim Mga maliit lamang ang nadidiin Ipinasa ng itak na ginagamit sa digmaan Para sakin ang matapang ay siyang nang-ibang bayan Ang taga-ani mga bagong bayani na tugon Sa hindi matapos at paulit-ulit na tanong Kaibigan minsan ba'y naiisip mo na ang noon Ay katulad din ng mga kinakaharap ngayon Wag magtaka kung bakit lumalabo ang tubig sa balon Dahil hanggang ngayon di pa tapos ang rebolusyon Di uusad kung lakad ay paatras Nakakandado ang dapat na bukas Bumangon at ng maunawaan mo Kung ano ang siyang pinaglaban ko Di ako nagkaroon ng pagkakataon Na makapagpakilala Simula noon ang tawag nila sa akin ay ang pasimuno Habang ang nais ko lang naman ay mamuno At ituro ang daan katulad niyo rin ako naman ako Tinulak sa burak pagkatapos pinagbintangan Ng mga taong aking itinuring na kapatid Gamit ang kutsilyo lubid na hawak ay pinatid Lahat ay kailangan lumaban kapag inaapi Na kahit dumanak ang dugo at ang puti maging pula Matapos ang lahat ng sinulat ay sabi nila Sino ako talaga, kilala mo ba? Lupang tinatapakan mo Bakas na nilakaran ko Dusang binabalikat mo Ay ang siyang binuhat ko Lupang tinatapakan mo Bakas na nilakaran ko Dusang binabalikat mo Ay ang siyang binuhat ko Di uusad kung lakad ay paatras Nakakandado ang dapat na bukas Bumangon at ng maunawaan mo Kung ano ang siyang pinaglaban ko Di uusad kung lakad ay paatras Nakakandado ang dapat na bukas Bumangon, panindigan mo ang tugon Dahil di pa tapos ang rebolusyon