Ooh-ooh-ooh (ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh) Kaibigan, bakit ka nag-iisa? At sa 'yong mata'y lungkot ang nakikita Ano ba ang dahilan? Ano ang dinaramdam? Sabihin mo sa 'kin, baka ika'y matulungan Tandaan mo, ako'y 'di mo lang kalaro Kung hindi, isang tapat na kaibigan mo Tuwing kailangan mo'y maaasahan mo Nagmamahal sa 'yo, laging narito 'Di man sa lahat ng oras tayo'y nagkakasundo Sa laro'y nagkakapikunan, minsan ma'y nasasaktan Ngunit, tunay na magkaibigan, kahit minsan may tampuhan Kahit ano'ng mangyari, kaibigan, mahal kita (Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh) Kung sakaling bukas magkalayo Ang puso ko'y malulumbay, kaibigan ko Sino'ng kasama ko at kalaro-laro? Iiwanan mo, ano'ng lungkot ng buhay ko? 'Di man sa lahat ng oras tayo'y nagkakasundo Sa laro'y nagkakapikunan, minsan ma'y nasasaktan Ngunit, tunay na magkaibigan, kahit minsan may tampuhan Kahit ano'ng mangyari, kaibigan, mahal kita 'Di man sa lahat ng oras tayo'y nagkakasundo Sa laro'y nagkakapikunan, minsan ma'y nasasaktan Ngunit, tunay na magkaibigan, kahit minsan may tampuhan Kahit ano'ng mangyari, kahit ano'ng mangyari Kaibigan, mahal kita Ooh-ooh-ooh (ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh)