Sinumpa ng mga tao 'sang baryo Ang isang inang nagdadalang tao Nung lumabas, isang halimaw. Natapatan ng ilaw Imbis masilaw Ay lalo lang syang naimpakto Tinanim sa may kalye ng may bunga Ang dahon lumago na at sya'y lalong nagka-bunga Tinawid ang ilog pasig Nakipag-kamay sa shokoy Pinanis ang mga mamang tawag sakanya ay totoy Sinisid ang dagat, balyenang pangarap Sirena'y nag kalat, estrelya'y hinanap Muntikang malunod nalamang ang buhay Ay ay ganun pala ka-alat Ganun pala ka-sukal parang kagubatan sa bundok Lahat ng nilalang ay paunahan sa tuktok Pag narinig ninyo ang alulong Ng inyong 'wag kayong mangamba ako yon walang iba