Ang isa at isa ay dalawa Ang kulay ng mansanas ay pula Sa 'yong pagpasok sa eskuwela, lagi mong tatandaan Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita palagi" Huwag kang magmadali Huwag sanang kaligtaan ang humalik sa 'king pisngi Kahit lumalaki ka na, lagi pa ring tatandaan Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal na mahal kita," palagi mong sambit Oo, mahal kita, bawat pagitan ng saglit Hindi magmamaliw paggiliw ko sa 'yo Lumipas man ang ilang mga taon, hindi na namalayan Nakatapos sa eskuwela, ang trabaho'y maganda Kahit sana abala, paminsan ay tumawag ka Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita palagi" 'Yan ang pangako mo Sa harap ng ating Diyos at sa napangasawa mo Sa pagbuo ng 'yong pamilya, lagi pa ring tatandaan Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal na mahal kita," palagi mong sambit Oo, mahal kita, bawat pagitan ng saglit Hindi magmamaliw paggiliw ko sa 'yo Lumipas ngang muli ang panahon, Mama, ikaw ay tumanda Dahan-dahan, mga alaala'y nalilimot mo na Kahit pangalan ko kung minsa'y hindi mo na matandaan Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita" Malimutan mo na ang lahat, huwag lang ang "Mahal kita"