Noong Unang Panahon Leah Navarro Noong unang panahon Ang langit at lupa'y magkaratig halos Laganap ang tuwa Kapag sabangan, ni butil ay wala Ang gubat at ilog may handang biyaya Noong unang panahon Ang sikat ng araw ay nagpapalago Sa bawat halaman Bakit kaya ngayon kay init ng darang Ilog tinutuyo parang tinitigang Noong unang panahon Ang patak ng ulan Pinasasariwa dahong naninilaw Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay May bahang kasunod na nakamamatay Noong unang panahon Ang puso ng tao'y marunong magmahal Hindi nanloloko Sa hapis ng iba'y laang makisalo Layo'y pumayapa at hindi manggulo Pati na ang langit na dati kay baba Ay nagpakalayo sa ulilang lupa Bathala gumising dinggin ang luha Ng nananawagan at nagpapaawa Noong unang panahon Ang langit at lupa'y magkaratig halos Laganap ang tuwa Bathala gumising dinggin ang luha Ng nananawagan at nagpapaawa Noong unang panahon Noong unang panahon Noong unang panahon (Fade)