Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Lumaking paligid ng bundok na umuusok Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok Ito ang buhay ng anak ng Pasig Swimming-swimming sa itim na tubig Playground lang ang bundok ng basura mo Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang ilog ko Akala ko'y ganoon talaga ang mundo Hanggang nakakita ako ng lumang litrato 'Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko Kaibigan, ano ang nangyari dito? (Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyari?) Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito 'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo Ay bukas ko at ng buong mundo Huli na ba ang lahat? Patay na ba ang ilog at dagat? Kapag Pasig ay pinabayaan Parang bukas ang tinalikuran Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito 'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo Ay bukas ko at ng buong mundo Anak ng Pasig naman kayo May bukas pa ang ating mundo