Flor De Liza, sa 'yong isip na kamusmusan ngayon 'Di mo mauunawaan ang gulo ng panahon Minsan nga sa aking sarili nasasabi ko ito "Buti pa ang mga bata at malayo sa tukso" Langit sa 'kin Flor De Liza ang masdan kang may ngiti 'Di sa 'yo at sa 'kin lamang ang paglugha't paghikbi Sana'y ipagpaubaya na sa 'yong munting mundo Kung kalungkuta'y dadalaw, ito ay akuhin ko Tuwina ang sikat ng umaga Ang simoy ng pag-asa Ay sa inyo laan sa kabataan Flor De Liza ang sikat ng umaga Ang simoy ng pag-asa Sa tulad mo laan Flor De Liza ang biyaya sa inyo'y naghihintay Dahil ang muhi sa kapwa sa puso niyo'y 'di taglay 'Di kayo mapang-api at hindi rin mapagdamot Ang halos lahat sa amin kabutiha'y nalimot Kung maibabalik ko lamang ang kamay ng orasan Makapagpaanod tungo sa aking kamusmusan Gagawin ko Flor De Liza upang makatulad mo Na wala pang kamalayan sa sama nitong mundo Tuwina ang sikat ng umaga Ang simoy ng pag-asa Ay sa inyo laan sa kabataan Flor De Liza ang sikat ng umaga Ang simoy ng pag-asa Sa tulad mo laan o Flor De Liza Flor De Liza ang sikat ng umaga Ang simoy ng pag-asa Sa tulad mo laan o Flor De Liza Flor De Liza la-la-la-la-la-la-la-la-la-