No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y Magkaratig halos laganap ang tuwa Kapag sa banga ni butil ay wala Ang gubat at ilog may handang biyaya No'ng unang panahon, ang sikat ng araw Ay nagpapalago sa bawat halaman Bakit kaya ngayon kay init ng darang Ilog tinutuyo, parang tinitigang No'ng unang panahon, ang patak ng ulan Pinasasariwa, dahong naninilaw Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay May bahang kasunod na nakamamatay No'ng unang panahon, ang puso ng tao'y Marunong magmahal, hindi nanloloko Sa hapis ng iba'y laang makisalo Lalong pumayapa at hindi magulo Pati na ang langit na dati'y kay baba Ay nagpakalayo sa ulilang lupa Bathala gumising, tuyuin ang luha Ng nananawagan at nagpapaawa No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y Magkaratig halos laganap ang tuwa Bathala gumising, tuyuin ang luha Ng nananawagan at nagpapaawa No'ng unang panahon No'ng unang panahon No'ng unang panahon