Hay, na naman Oh-oh Yeah-yeah At pagkailan na bang nagkagan'to? Pilitin mang tapusin ang lahat ng 'to Pagkatapos nang panandalian lang Muling hayaan puso ay buksan Kahit gano'ng pilit sa aking isip Ay 'di mapipigilang umibig At pagkailan na bang sinabi ko Ayoko na ang magbalik sa piling mo? Ngunit 'di pa man ako nagtatagal Ang hanap ko'y iyong pagmamahal Para lamang baliw na walang kasaliw Pinapangarap ay ikaw, giliw Na naman, heto na naman At binabalik-balikan Ang pagmamahalan Na naman, 'di maiwasan Bakit ba hindi malimutan Ang dating lambingan? At pagkaulit na bang sinabi ko Ayoko na ang magbalik sa piling mo? Ngunit 'di pa man ako nagtatagal Ang hanap ko'y iyong pagmamahal Kahit gano'ng pilit sa aking isip Ay 'di mapipigilang umibig (Na naman) na naman, heto na naman At binabalik-balikan Ang pagmamahalan Na naman, 'di maiwasan Bakit ba hindi malimutan Ang dating lambingan? Hay, bakit ba naman kung kailan nagwakas Itong pagmamahalan ay ngayon pa lumakas? Ang sigaw ay ikaw, puso'y 'di na nga malaman Ang hiling 'yon pa rin, sana tayo na naman 'Pag ito tayo na, 'pagkat wala na ngang iba Kun'di tayong dalawa, oh, oh Ay heto na naman Na naman, 'pagkat wala na ngang iba Heto na naman, kun'di tayong dalawa At binabalik-balikan Ang pagmamahalan Hay na naman, palagay ko tayo na Na naman, 'pagkat wala na ngang iba Hindi maiwasan, kun'di tayong dal'wa (Oh-oh) bakit ba 'di malimutan Ang dating lambingan (ang sigaw ay ikaw) (Na naman) na naman 'pagkat wala na ngang iba Heto na naman (kun'di tayong dal'wa) At binabalik-balikan ang pagmamahalan (Ang hiling ko naman, na naman) Na naman, 'pagkat wala na ngang iba Hindi maiwasan, kun'di tayong dal'wa (Oh-oh) bakit ba 'di malimutan Ang dating lambingan (sana tayo na naman) Na naman, 'pagkat wala na ngang iba Heto na naman (kun'di tayong dal'wa, oh-oh) At binabalik-balikan ang pagmamahalan (Hay, bakit ba naman kung kailan nagwakas Itong pagmamahalan ay ngayon pa lumakas?) Na naman