Kishore Kumar Hits

Richard Reynoso - Kay Hirap Tumanda - OPM Hitmen текст песни

Исполнитель: Richard Reynoso

альбом: Kay Hirap Tumanda (OPM Hitmen)


Kung dati ay wala akong problema
Lahat ng bagay ay kayang-kaya
At kahit ano ay pwede kong subukan
Ang bawal ay 'di ko iniinda
Mula gabi, maging hanggang umaga
Tuloy ang buhay na anong saya
Ang pagtanda, 'di ko nakikita
Kasi noon, ako ay bata pa
Kay hirap, kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma, ayaw kumawala
Kasi lahat sa 'yo'y humihina
Kay hirap 'pag lolo't lola ka na
Gamot mo, kay dami at iba-iba
Pileges sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na

Ngayon, kay dami ng inaalala (inaalala)
Gustong gawin ay 'di ko na makaya ('di na makaya)
Kulang na lang palagi ay may yaya (laging may yaya)
Dahil kung minsan ay ulyanin na
Mabuti pa ay tanggapin na lamang (tanggapin na lamang)
Ang pagtanda ay 'di maiiwasan ('di maiwasan)
Basta't sa kapwa ay may kabutihan
Ikaw ay may pinagkatandaan
Kay hirap, kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma, ayaw kumawala
Kasi lahat sa 'yo'y humihina
Kay hirap 'pag lolo't lola ka na
Gamot mo, kay dami at iba-iba
Pileges sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Ang tama'y magkunwari na lang
Na bata upang maramdaman
Ang buhay ay tunay ngang ganyan
Ang pagtanda ay ating hantungan
Kay hirap, kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma, ayaw kumawala
Kasi lahat sa 'yo'y humihina
Kay hirap 'pag lolo't lola ka na
Gamot mo, kay dami at iba-iba
Pileges sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Sadyang ganyan kapag matanda na
Kay hirap 'pag ika'y matanda na

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители