Tag-araw, sa may dagat namasyal At pagdilim, sa may baybay humimlay At nagyakap, sabay sa pagsabog ng alon Sabay sa paghuni ng ibon, saksi ay liwanag ng buwan 'Di ba sabi mo pa, na wala pang iba Na ako ang una sa pagmamahal mo, sinta? At ang buhay nating dal'wa ay nagbunga Ng makulay na pag-ibig na dakila Ngunit, bakit ngayong umuugong ang hangi't ulan 'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo? Ni wala nang apoy, titig mo sa akin Naglaho ba ang pagmamahal mo, sinta? Hindi ko rin inaasahan ang mga pangyayari At dinaramdam ko rin ng husto ang pagkasawi ng ating pag-ibig Ngunit, kailangan tanggapin natin na ganito ang buhay Ibig ko lang malaman mo na mahal pa rin kita At nagyakap, sabay sa pagsabog ng alon 'Di ba sabi mo pa na wala nang iba At sa habang buhay, tayo'y magsasama? Nakamtan ko ang pagmamahal mo, sinta Ngunit, bakit sa tag-ulan ay naglaho? 'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo Ni wala nang apoy, titig mo sa akin Naglaho na ang pagmamahal mo, sinta