Pinag sisisihan lahat ng aking kasalanan Kung di mararanasan di pa mauunawaan Ngayong natagpuan ko ang sagot sa katanungan Mula nang bata pa laman na ng aking isipan Ang bawat payo sa tuwing akoy pagsasabihan Hindi pinapansin kahit alam na kabutihan Nagsakripisyo ginawa lahat ng paraan Upang mabigyan lang ng magandang kinabukasan Halos gumapang sa hirap na nararanasan Hirap na kahit minsan di man lang nasuklian Siyam na buwan mong iningatan sayong sinapupunan Nang mailuwal kahit lamok di marapuan Sagana sa lahat damit, magandang laruan Ngunit ng lumaki kung sumagot harap-harapan At sumapit na nga ang puntong pagbibinata Na tila hudyat sa pag-gawa ng masama Nag umpisa ang lahat ng sinubukang magka syota Si nanay kung utusan dinaig pa ang alila Ganyan pag uugali sino bang matutuwa Ang sarap ng buhay mo ang nanay mo nakaka-awa Itim ang budhi ng taong di alam gumalang Magawa ang gusto itataboy pati magulang Mapapatawad pa ba? Ang sangkaterbang pagkukulang? At kasalanan na halos di na rin mabilang Itim ang budhi ng taong di alam gumalang Magawa ang gusto itataboy pati magulang Mapapatawad pa ba? Ang sangkaterbang pagkukulang? At kasalanan na halos di na rin mabilang Magagawang tiisin na maguton si nanay Masunod mo lang ang nobya na lahat ibibigay Pangyayaring kinagulat mo nang siyay humiwalay Mundo moy parang sasabog halos magpakamatay Naisipang tikman ang shabu at mariwana Tuwang-tuwa naman mga demonyo mong barkada Si inay di makatulog magdamag nag-alala Uuwi ka ng umaga hihingi ka lang ng pera Pag di ka nabigyan sa galit halos magwala ka At sasabihin pa sayong ina na walang kwenta Ang matindi pa tol talagang walang konsensya Halos harap-harapan kung murahin ang ina Nang ikaw ay lumayo ang iyong ina ay yumuko Yakap ang larawan mot luha ay tumutulo Ngunit may bagay na lingid sayong kaisipan Ang yong ina pala may tinatagong karamdaman Nang minsan pag uwi si nanay nasa higaan nangyari Ang bagay di mo lubos inaasahan Mata ni nanay pumikit ng dahan-dahan Sabay hagulhol at ipinatong sa kandungan Lumuhod man ako at maghapong umiyak Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak Kay hirap pala ang maulila kay inay Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay Lumuhod man ako at maghapong umiyak Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak Kay hirap pala ang maulila kay inay Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay Tuwing akoy nag iisa lagi ko siyang naalala Takbo ng buhay tila nawalan na ng pag-asa Parang di ko kaya ang mabuhay mag-isa Hinahanap-hanap ko pa rin kalinga ng ina Pero ngayong ikay wala na pano na ako inay Sa bawat suliranin sino ang makakaramay Saking buhay sino pa ang gagabay At kailan muling madarama ang yakap mo inay Sa bawat oras si nanay ang laman ng aking isip Pag sapit ng gabi siya ang laman ng panaginip Patawarin ako inay sa aking pagkukulang Ang aking kasalanan pano ba pagdurusahan Ang bigat sa dibdib pano ba mababawasan Hindi na kaya ng nahihirapang kalooban Lagi nalang akong binabalot ng kalungkutan I Love You nanay hindi kita malilimutan Lumuhod man ako at maghapong umiyak Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak Kay hirap pala ang maulila kay inay Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay Lumuhod man ako at maghapong umiyak Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak Kay hirap pala ang maulila kay inay Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay