Aiza, nang makilala ka 'Di ko maipinta, galak na nadarama Natataranta sa t'wing tayo ay magkasama Kahit sa'n magpunta, abutin man ng umaga Nais ko ay makapiling kita sa t'wina Mayakap ka, oh, sinta Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba ♪ Ngunit lahat ay nagbago nang may biglang dumating sa buhay ko Hindi ko sinasadyang mahulog ang aking mundo sa kanya Ang aking mundo (ang aking mundo), biglaang gumuho Ang aking mundo (ang aking mundo), sa kanya na iikot Iikot kay Norma Norma, nang makilala ka Parang mas masaya 'pag ikaw ang kasama Natataranta sa t'wing tayo ay magkikita Kahit sa'n magpunta, abutin man ng tanghali Nais ko ay makapiling kita sa t'wina Mayakap ka, oh, sinta Lagi mong tatandaan na ikaw lang at wala nang iba ♪ Ngunit lahat ay nagbago nang may bigla na namang dumating sa buhay ko Hindi ko sinasadya, mahulog na naman ang aking mundo sa iba Ang aking mundo (ang aking mundo), bigla na namang gumuho Ang aking mundo (ang aking mundo), sa kanya naman iikot Iikot kay Jen Jen, ikaw na talaga Kahit sa'n magpunta, gabi, tanghali, umaga Wala nang iba ♪ Ikaw lang at wala nang iba Si Aiza, si Norma, at si Jen Si Aiza, si Norma, at si Jen Si Aiza, si Norma, at si Jen (si Aiza, si Norma at si Jen) Si Aiza, si Norma, at si Jen