Gusto ko sanang sumama pero parang ayaw mo Kanina ka pa 'di kumikibo Gusto ko lang naman kasi makasama ka parang dati No'ng tayong dalawa 'yung magkatabi ♪ Ilang beses kong sinabi na nagsisi na ako Pero parang lalong gumugulo Naiinis ka na yata, eh, anong magagawa? Ayokong mapunta ka sa iba Bigla mong naisip na hindi mo na ako gusto Bigla kong naisip na kailangan ko ang yakap mo 'Di na bale walang mangyayari sa ganito Uuwi na lang ako sa amin Wala ng kulay, wala ng buhay ang mundo Uuwi na lang ako ♪ Ayokong nakikita may kasama kang lalaki Umiinom sa tabi-tabi Ako'y nahihirapan at ako'y nasasaktan Baka pa pwede pang pag-usapan Lahat ng sabihin ko'y hindi mo na pinakikinggan Anong nangyari sa pag-ibig na walang hanggan? 'Di na bale walang mangyayari sa ganito Uuwi na lang ako sa amin Wala ng kulay, wala ng buhay ang mundo Uuwi na lang ako ♪ 'Di na bale walang mangyayari sa ganito Uuwi na lang ako sa amin Wala ng kulay, wala ng buhay ang mundo Uuwi na lang ako, whoa-oh-oh