'Di na kita nararamdaman Totoo bang nandiyan ka lang o sinabi mo lang? Para nga naman gumaan mararamdaman ko sa 'yo Umasa akong masasagutan Katanungan, gumugulo sa kaisipan Sino na ang kakapitan at sasandalan ko ngayon? Ngayon, ikaw ay nandito pero alam ko Mamaya-maya lang, aalis ka na rito Pahiram naman ako ng oras mo Pasilip naman ako sa iyong mundo Pahingi naman ako ng yakap mo (Ipaalam mo sa 'kin ang iyong gusto) Pahingi naman ako ng yakap mo (Kailangan kong malaman, 'tutuloy pa ba 'to kasi) 'La na 'kong nararamdaman Iba na rin kung pa'no mo 'ko tingnan Sabi mo ay nandiyan ka lang Kung pwede lang, magparamdam ka naman (Kung pwede lang)
(Kung pwede lang)
(Kung pwede lang) Kung pwede lang sabihin sa 'kin, ayaw mo na 'Wag na rin natin hayaan mapunta pa Sa 'di natin gusto, ayoko maglaro Sayang pawis ko, paghabol sa 'yo Pero kung gusto mong masalba pa Sabihin mo lang sa 'kin, ako na ang taya 'Di madali pero magmamadali Sulit sa 'kin bawat patak ng sandali Ikaw ay nandito pero alam ko Mamaya-maya lang, ako na lang ulit 'to Palimos naman ng oras mo Pasiksik naman sa 'yong mundo Pahingi naman ako ng yakap mo (Ipaalam mo sa 'kin ang iyong gusto) Pahingi naman ako ng yakap mo (Kailangan kong malaman, 'tutuloy pa ba 'to kasi) 'La na 'kong nararamdaman Iba na rin kung pa'no mo 'ko tingnan Sabi mo ay nandiyan ka lang Kung pwede lang, magparamdam ka naman (Kung pwede lang)
Kung pwede lang Kung pwede lang Kung pwede lang Kung pwede lang