Hay ♪ Nasaan na ba kayo? Mag-isang tumatakbo Kay tagal 'di nagkita, puso n'yong nawawala Sino ba naman ako para balikan ninyo? Kaibigang nawala, dahan-dahang umalsa Bakit kaya ayaw ng lahat sa 'kin? Ramdam ko na ako'y iiwanan ng lahat ♪ Dapat ko bang tanggapin, mag-isang ililibing? Kahit may dalang bituin, 'di ka n'yan papansinin Sabi ng kalangitan, "Habang-buhay kang ganyan Iiwanan ka nila kahit na maayos ka" Bakit kaya ayaw ng lahat sa 'kin? Ramdam ko na ako'y iiwanan ng lahat ♪ Tinataboy ka na nila Wala ka nang makapitan Tinataboy ka na nila Wala ka nang makapitan ♪ Hay Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong sabihin Na 'di ko masabi, 'di ko masabi sa inyo Parang ang layo-layo n'yo na 'Di ko kayo maintindihan, lalo na 'di n'yo 'ko naiintindihan Paalam