'Di, 'di ko inakalang Darating din sa akin Nung ako'y nanalangin kay Bathala Naubusan ng bakit Bakit umalis nang walang sabi? Bakit 'di siya lumaban kahit konti? Bakit 'di maitama ang tadhana? ♪ At nakita kita sa tagpuan ni Bathala May kinang sa mata na 'di maintindihan Tumingin kung saan Sinubukan mong lumisan At tumigil ang mundo
Nung ika'y nakita ko
Ikaw ang panalangin ko ♪ At hindi, 'di mapaliwanag Ang nangyari sa akin Saksi ang lahat ng tala Sa iyong panalangin ♪ Pa'no nasagot lahat ng bakit? 'Di makapaniwala sa nangyari Pa'no mo naitama ang tadhana? ♪ Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala May kinang sa mata na 'di maintindihan Tumingin kung saan Sinubukan kong lumisan At tumigil ang mundo ♪ Nung ako'y ituro mo ♪ At hindi na lalayo At hinding-hindi susuko Oh nagbago ang mundo Nung ako'y pinaglaban mo ♪ At tumigil ang mundo Nung ako'y pinili mo Ikaw ang panalangin ko