Sandal ka muna sa 'kin Malayo pa ang b'yahe natin Matulog ka na lang, antukin 'Di na kita guguluhin At kung mapagod ka, andito lang ako Sumandal ka sa mga balikat ko Isang biyaya ka sa mundong ito Na iingatan ko ng buong puso ko Wala na 'kong hahanapin pa Dahil sa biyaheng ito, ikaw ang kasama Kahit ilang oras pa Handa akong mag-antay Basta't sa biyaheng panghabang-buhay Sana'y ako pa rin ang 'yong kasabay Dantay ka muna sa 'kin Ilang oras pa ang biyahe natin Huminga ka muna nang malalim Malayo na'ng ating narating Pero ang layo pa ng lalakbayin Hmm Wala na 'kong hahanapin pa Dahil sa biyaheng ito, ikaw ang kasama Kahit ilang oras pa Handa akong mag-antay Basta't sa biyaheng panghabang-buhay Sana'y ako pa rin Ang iyong katabi, sa hirap at ginhawa Pero ba't 'di mo sinabi na may Hinihintay ka lang pala? Naghihintay na baka bumalik pa siya Wala na 'kong magagawa pa Dahil sa biyaheng ito, iba na'ng 'yong kasama Pero salamat muli sa oras mong binigay Ngunit sa biyaheng panghabang-buhay 'Di na pala ako ang 'yong kasabay