'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya Kaya iwasan mo nang manghusga Teka muna, teka lang, sandali Teka muna, 'wag ka namang magmadali 'Di naman lahat ng bagay at pangyayari ay Kailangan ng iyong opinyon at masasabi Teka muna, bago buksan ang bibig Tumahimik muna, maupo, makinig 'Di naman lahat ng pumapasok sa isipan ay ang Pinakamataas na katotohanan 'Di naman kailangan ng buong mundong malaman Ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran At hindi naman kailangan na lahat ay makikinig Sa sasabihin Ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan Ang pinagdadaanan ng makasalanan mong kapwa Tulad mo 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya Kaya iwasan mo nang manghusga 'Pag may nakitang basurero Sasabihin ng nanay, tatay mo "Anak, mag-aral kang mabuti upang 'di ka matulad sa kanila" Alam n'yo ba kung ba't s'ya nagresolba Sa pagbabasura? Dahil kung 'di mo naman alam, 'wag ka ngang gan'yan Lahat ng tao, may kan'ya-kan'yang konstekto Na malalaman mo lang kung galing sa kan'ya mismo Kaya huwag kang makinig sa sabi-sabi ng iba Kung ako sa'yo, mas pipiliin ko nang tumingin Sa kabutihan ng mundo bago ko pa pansinin ang mali Ng aking katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya Kaya iwasan mo nang manghusga Bago pa man ako matapos dito sa aking sinusulat Ang aking tanging hiling na lahat tayo ay mamulat Susunod na may makitang 'di minimithi 'Di na mangungunang manuro ng daliri Ayoko rin naman nu'ng tipong nagmamarunong Gusto ko lamang tumingin ka sa sarili't magtanong Tama bang pumulot ng bato't batuhin Mga taong nagkakasala lamang din? 'Di naman kailangan ng buong mundong malaman Ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran At hindi naman kailangan na lahat ay makikinig Sa sasabihin Ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan Ang pinagdadaanan ng makasalanan mong kapwa Tulad mo 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya Kaya iwasan mo nang manghusga 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi 'Di mo naman alam ang pinagdaraanan n'ya, ooh Kaya iwasan mo nang manghusga Iwasan n'yo na ang manghusga