Ikot ng mundo tila ay bumabagal Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal Ang aking hinihintay ay makakamit 'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit Pilitin man ay 'di mo na mapipigil Ang kanyang pag-ahon Ang kanyang paggising Ikaw lamang ang nais kong kapiling Kung darating ang tag-araw Lagi na lamang aking nasa sa isip Ang pagsapit ng tag-araw Sana ang init mo'y aking maramdaman Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait Ang tanging hangarin Na ika'y makapiling Ikaw lamang ang nais kong kapiling Kung darating ang tag-araw Lagi na lamang aking nasa sa isip Ang pagsapit ng tag-araw Hanggang kailan kaya ako maghihintay? Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay Whoa-oh Ikaw lamang ang nais kong kapiling (oh-whoa) Kung darating ang tag-araw (oh-whoa) Lagi na lamang aking nasa sa isip Ang pagsapit ng tag-araw Ikaw lamang ang nais kong kapiling Kung darating ang tag-araw Lagi na lamang aking nasa sa isip Ang pagsapit ng tag-araw Ikaw lamang ang nais kong kapiling (ang tag-araw) Kung darating ang tag-araw Lagi na lamang aking nasa sa isip Ang pagsapit ng tag-araw Ng tag-araw Ng tag-araw