Tapos na 'ko sa sundalo Sa kalapati naman Ayoko talagang isulat 'pag ganito Ang laman Baka isipin pa nila Sa kabila ng lahat Humihingi ng simpatya Para lang makaangat May kalapating nag-alaga sa 'kin Simula't sapul Napakaliit ko pa no'n Mas maliit pa kay dagul Etong kalapati na 'to Madalas lumilipad Naghahanap siya ng pagkain Na pwede kong makagat Madalas na mag-isa Kaya naging matatag Iniisip ko na lang Na babalik siya agad Dinadalasan ang dasal Para lalong marinig Penge ng jacket kuya willie Sa gabing malamig Naranasan na namin Ang madalas na matakot Hindi sa multo Kundi sa tunay na bangungot 'Wag kang mag-alala Mawawala din 'to lahat Kasi ikaw ang kalapati na matayog ang lipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang nagturo sa akin lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang nagturo sa akin lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad Ano ba naman ito Merong biglang dumating Kamalasang may kasamang Biyayang dumadaing Dis oras ng gabi may balitang Dumating sa 'kin Nahuli daw kasi Ang ibong gusto akong buhayin Bigla akong dumilat 'Di alam ang gagawin Hilong-hilo at parang biglang Umikot ang paningin Pinuntahan ko siya Huli na 'kong nakarating Pinipiktyuran na Walang areglong gagawin Pero merong isang daga Na may dalang maraming keso Agad na pinalaya at wala ng kesyo Kwento Babaeng kalapating Umiiyak sa kaba Gaano kasakit ang Makita kita sa hawla Ako naman ang kukuha ng Perang walang kwenta Lahat ng kailangan mo Ako magdadala 'Wag ka nang mag-alala Mawawala din 'to lahat Kasi ikaw ang kalapating Nagbigay sa akin ng mga pakpak Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang nagturo sa akin lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang nagturo sa akin lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad Napakalakas ko 'pag alam ko na nandito ka Pero mas lalong lumakas pa Nung hinuli ka nila Konting panahon na lang Sabay natin lahat kukunin Bubuksan ang kandado ng hawla Kahit pilitin Mahal kita, ang tiisin ka hindi ko kaya Ginto kang kalapati at hindi ka basta maya 'Wag kang mag-alala halos Abot ko na lahat Dahil sa mama ko Na sobrang taas din kung lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang nagturo sa akin lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang nagturo sa akin lumipad Ikaw ang kalapating iba sa lahat Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad