Ako nga pala si Toto Simpleng batang may pangarap Lumaki sa kalye, edad ko'y mag te-trese Himig ko ang mga busina Ng mga kotseng dumaraan Sabay laro ng patintero kay kamatayan No'ng umpisa, hindi ko pa maintindihan Ngunit no'ng tumagal, aking naramdaman Ang hirap maging mahirap Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas Ang hirap maging mahirap, kailan ba 'to magwawakas? Ang hirap maging mahirap Hanggang sa ako ay tumanda Mata'y unti-unting namulat Tingnan ang bawat kalsada Kaliwa't kanan ang bakas ng lumalaban Mairaos lang ang isang araw Para sa pamilyang kong gutom na at uhaw Handang gawin lahat Mali man ang aking galaw No'ng umpisa, hindi ko pa maintindihan Ngunit no'ng tumagal, aking naramdaman Ang hirap maging mahirap Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas Ang hirap maging mahirap, kailan ba 'to magwawakas? Ang hirap maging mahirap, oh, oh, oh Ang hirap mabuhay sa mundo Kung saan binabase lahat Sa kapirasong papel na may imprenta Ayokong magreklamo pero tila tinapak-tapak-tapakan pagkatao Limitado, delikado, apektado, sigurado Bawat kwento sintunado, bawat oras singkupado Ayoko na, tama na, gusto kong magbago pero Tila ba merong nakaabang, bang, bang, bang, bang Oh, ang hirap maging mahirap Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas Ang hirap maging mahirap Kailan ba, kailan ba, kailan magwawakas? Ang hirap maging mahirap Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas Ang hirap maging mahirap, kailan ba 'to magwawakas? Ang hirap maging mahirap Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo Hindi mo na alam kung ano ba'ng mali at totoo Sakit sagad na sa buto, kailan ba 'to mahihinto? Mayro'n pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto? Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo Hindi mo na alam kung sino ba'ng mali at totoo Sakit sagad na sa buto, kailan ba 'to mahihinto? Mayro'n pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto? Ako nga pala si Toto Simpleng batang may pangarap