TUNAY NA BUHAY Lumilipas ang panahon, Unti-unting nadarama Sa buhay na ito'y hindi tunay ang ligaya Isang saglit ay may ngiti, Kapag daka'y may luha na Kanina lang ay kay saya, Bakit ngayo'y may lumbay na Buhay nati'y 'di rin tunay Dahil ito'y may hangganan Ngayon puso'y pumipintig Ngunit dagling pumapanaw Dating lakas, dating sigla Ngayo'y isang bakas na lang Ala-ala ng kahapo'y Naglalahong walang ano pa man Kaya't ang nais ko ay ang Buhay na tunay na buhay Doon sa paraisong ligaya Ay walang hanggan Tuwa doo'y walang sukat, Walang makakapantay 'Di ka na mangangambang Ika'y muling malulumbay Huwag nating ilalagak Itong isip sa may wakas Mata nitong ating puso Ay ititig sa itaas Hirap nati'y mapapawi Hahalinhan N'ya ng galak Kung tayo'y magtitiwala Sa Dios Ama nating liyag Si Hesus ang tumubos sa ating sala Nang ating makamtan Pagpapalang walang hanggan Sa Kanyang pagbabalik Sana tayo ay magkita Doon sa bagong langit Buhay natin ay tunay na Kaya't ang nais ko ay ang Buhay na tunay na buhay Doon sa paraisong ligaya Ay walang hanggan Tuwa doo'y walang sukat, Walang makakapantay 'Di ka na mangangambang Ika'y muling malulumbay Kaya't ang nais ko ay ang Buhay na tunay na buhay Doon sa paraisong ligaya Ay walang hanggan Tuwa doo'y walang sukat, Walang makakapantay 'Di ka na mangangambang Ika'y muling malulumbay Tuwa doo'y walang sukat, Walang makakapantay 'Di ka na mangangambang Ika'y muling Malulumbay