Sa hinaba-haba ng aking pinagdaanan (Pinagdaanan) Salamat sa Maykapal, ika'y aking natagpuan Mali man sa mata nila'y wala akong pakialam (Walang pakialam) Basta't ika'y napapasaya habang hawak aking kamay Higpitan ang iyong yakap Kwento'y ating susulatan Panibagong yugto Ikaw at ako Hindi kita susukuan Araw-araw ay liligawan Panibagong yugto Hanggang sa alam mo na ang apelyido ko Yeah Kalimutan mo ang nakaraan (Kalimutan mo) Sabay nating harapin ang kinabukasan Kalimutan na ang nakaraan (Kalimutan mo) Sabay nating harapin Nang buksan ang aklat, ikaw ang aking nakita Sa pahina'y nakasaad na 'di ka na luluha pa Ikaw lang ang nagpatibok Ng aking pusong sobrang lungkot Kapag nariyan ka limot ko na Ang mga problema at pagsubok 'Di papaawat at 'di rin papatalo sa mga hadlang Pagsalubong sa'yo Iaabot ang bitbit ko na rosas Na yan laging aawitin Aking alay sa'yo 'Di kita pababayaan Lagi ka na aalayan Pangako sa'yo 'Di lalayo Lalaking maasahan Na hindi ka iiwanan Sa ating yugto 'Pagkat ikaw lamang ang pipiliin ko Papasukin ang bagong yugto na dumating Pagbigyan mo ako't ako'y iyong dinggin Ang bawat paglapit mo'y katahimikan ko Sa mapang-api't magulong mundo 'Di ko yata kakayanin ang paglisan mo Tanggapin ang kamalian At kung sa'n ka nahihirapan Sabihin mo lang at gagawan ng paraan, yeah 'Di mo na kinakailangang Magpanggap na natakasan Na ang madilim, malagim, at mapait na nakaraan Kalimutan mo ang nakaraan (Nakaraan) Sabay nating harapin ang kinabukasan Kalimutan na ang nakaraan Sabay nating harapin... Sabay nating harapin...