Bakit ba, ang daming mga tanong sa 'king isipan Tila ba naghahanap ng mga kasagutan Bakit ba? Bakit pa? Para san ba talaga? Ngayo'y damdamin ng puso ko'y nagiiba-iba Bakit ba, ano ba talaga? Ang isip ko'y gulong-gulo na Kahit na anong gawin, ganun parin Kahit na mababaw ay malalim ang nadarama Sa bawat pagpikit ko Ang daming nakikita na sabi sabi Sana'y napagtanto Na lahat ng 'yon ay ilusyon at di nangyayari Ang tanging lunas sa sarili na aking nakita Ay ang pagluha mismo ng aking mga mata Sinisisi ang sarili sa nagawa Kahit ginawa lamang ay magpakatanga At kahit na malayo sa 'yong piling Isipin mong ikaw at ikaw parin ang iibigin Pagkat, ang puso ko'y iyong iyo parin Kahit na ilang ulit mo pang saktan ang aking damdamin Bakit ba, ang daming mga tanong sa 'king isipan Tila ba naghahanap ng mga kasagutan Bakit ba? Bakit pa? Para san ba talaga? Ngayo'y damdamin ng puso ko'y nagiiba-iba Bakit ba, sa tuwing kasama kita Hindi ko magawang maisip na Ako ay nagiisa't nagdurusa Kung kaya't pag nawalay sayo ako'y nababalisa Sa bawat sugat na dulot mo Tiniis ko ang lahat manatili ka lang sakin Sana nama'y malaman mo Na ang pagtigil ay hindi makabubuti para sa 'tin Kaya't kumapit ka lang, at huwag bibitawan Mga pangako mo na aking pinagkatiwalaan Sana nama'y manatili ka dito sa 'king piling Upang bawat tulog ko ay maayos at mahimbing Ikaw lang ang nais makasama Please lang wag nang mabahala Hindi naman kita gagamitin sinta Sasamahan kita sa hirap at ginhawa Bakit ba, ang daming mga tanong sa 'king isipan Tila ba naghahanap ng mga kasagutan Bakit ba? Bakit pa? Para san ba talaga? Ngayo'y damdamin ng puso ko'y nagiiba-iba