Naubos na'ng kaluluwa, pinilit 'kong tumulad sa Kanilang lahat na tila patay na ang diwa Araw-araw bumabangon na 'di alam ang dahilan At para bang gumugol lang ako ng oras sa wala Ano ba talaga? Ano ba ang halaga? Ako ba o sila? Sino'ng mas mahalaga? Sino ba? Ah-ah Lagi na lang pangalawa sa karera ng buhay Iniwan na, ito'y sumpa, lagi na lang pumapalya Naubos na'ng (naubos na'ng) kaluluwa (kaluluwa) Hindi naman nakuha ang Malinaw na (malinaw na) hinaharap (hinaharap) 'Di na marunong mangarap Ano ba talaga? Ano ba ang halaga? Ako ba o sila? Sino'ng mas mahalaga? Sino ba? Ah-ah Hanggang kailan ipipilit? Hanggang saan bago tumanggi? Hanggang kailan magsisisi? Hanggang kailan? Hanggang kailan? Ano ba talaga? Ano ba ang halaga? (Hanggang kailan ipipilit?) Ako ba o sila? Sino'ng mas mahalaga? (Hanggang saan bago tumanggi?) Sino ba? Ah-ah Sino ba? Ah-ah Sino ba? Ah-ah Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh-ooh