Kishore Kumar Hits

Edrick Valentino - Anxiety текст песни

Исполнитель: Edrick Valentino

альбом: Anxiety


Di mapakali sa paligid
Inatake nanaman
Mabilis ang tibok ng puso
Ang kamay di ko maramdaman at tuyo ang bibig
Ang hirap mag isip
Tapos ang paligid parang malamig
Gusto ko iwasan ayoko padakip
Problema lumaki kahit eto ay maliit
Minsan ayoko nalang to ipag sabi
Itago nalang ang lahat kasi
Para bang wala silang paki
Kaya muli ko ng sinantabi
Hindi ko na madadaan sa alak
O kaya sa iba pa na amats
Ang sagot hindi ko pa mahanap
Kaya ang emosyon ko ay makalat
Ang hirap kaya temporarily
Sulat ang silbi ko na therapy
Sumabay sa beat at sa melody
Ang hirap pag sarili mo ang enemy
Sabi nila ako ay merong sakit
Pag ekis ang lahat ikay mag pacheck
Mawala man lang ito ng kahit saglit
Inuman nang gamot para di bumalik
Pangit nito sa aking pakiramdam
Di gamot salitang okay lang yan
Pasensya na di yan mabisa
Ayoko itong ipakita
Ang nag papanggap na sila ay malakas
Sila daw ang tunay na mahina
Ang nag papanggap na sila ay malakas
Sila daw ang tunay na mahina
Naiintidihan ko ang nararanasan mo
Kung pakiramdam mo nilamon ka na ng mundo
Tumawag ka lang
Tumahan ka na
Nandito lang ako nakikinig
Parang gusto ko mag pahinga
Kasi parang walang kasunod na pahina
Palala ng palala ito grabe na
Para bang nasa kabaong pag nakahiga
Nag hahanap parin ng gamot
Sa sarili ko inaamin na takot
Ang kaalaman na aking nadampot
Ay hindi lahat ng bagay salapi ang sagot
Kung mali ako don
Pano ba mapaliwanag
Walang takas sa dilim kahit pa mayaman
Doon ko nalaman di kayang bayaran ng pera pag sarili mo ang kalaban
Tipo na nasayo na ang lahat pero bakit parang di pa sapat
Sarili mo lang ang iyong katapat pero parang libingan ang iyong kaharap
Tumatawa nakangiti pa kapag kasama sila
Ako ay umaasa na bumalik sa panandaliang saya biglang nag iba kapag mag isa
Tila ang isip ko ay nag babago
Minsan ko narin kasi itong plinano na sa mundo na to ako ay maglaho at kahit papano
Naiilabas ko lahat ito gamit tunog
Wag mo idamay ang iyong sarili ang patayin mo yung lungkot sa loob
Lumapit sa Diyos ako ay lumuhod at alam kong nakinig sya ng maigi
Dito ko lamang nalaman ang pinaka mabisang gamot ay libre
Naiintidihan ko ang nararanasan mo
Kung pakiramdam mo nilamon ka na ng mundo
Tumawag ka lang
Tumahan ka na
Nandito lang ako nakikinig
Hindi biro ang nararanasan mo
Kung nilalamon ka na ng mundo
Nandito lang ako nakikinig

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Rave

Исполнитель

GHR

Исполнитель

KLYDE

Исполнитель