Malayo man ang distansya 'Di man marinig ang boses mong aking nakasanayan 'Pipikit na lang muna At papagalingin ang mga mata sa kaluluha At hihinga ng malalim At papakalmahin ang patalim Tapos na ang laban Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin Kung bukas man ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsang sandali kang naging akin ♪ Sa paghulma ng paalam 'Di na madama ang pagbitaw ng 'yong mga kamay 'Pipikit na lang muna Iiwas ng tingin at aatras bago ito bawiin At hihinga ng malalim At papakalmahin ang patalim Tapos na ang laban Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin Kung bukas man ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsang sandali kang naging akin Oh, oh-oh, oh-oh-oh At sa pagbawi ng tadhana Masakit man magpalaya Doon ako kung sa'n ka sasaya Kung sa'n ka malaya Salamat sa saglit Salamat sa sakit Ako'y 'di magsisisi kahit 'di ka na sa akin Kung bukas man ako ay lilingon Makikita sa tabi na minsang sandaling naging akin