Kishore Kumar Hits

Sugarfree - Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa текст песни

Исполнитель: Sugarfree

альбом: Tala-Arawan


Nandito na siya
Nandito na siya

Maniwala ka na lang sa kanya
'Pag s'ya na ang nagsasalita
'Wag ka na lang mag-alala
Dahil mali ka at lagi siyang tama
Lahat na yata ng iyong sabihin
Kayang-kaya niyang kontrahin
Wala na yata siyang 'di kayang gawin
Wala na yata siyang kasing-galing
Heto na siya
Ang henyo ng henerasyon
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa
Ang laki siguro ng utak niya
Wala nang librong hindi pa nababasa
Siguro 'di siya tao
Alam na niya ang bawat sulok ng mundo
Kahindik-hindik ang nalalaman
Sa mga bagay na kailanman
Ay hindi pa niya nararanasan
Hindi masukat ang kanyang kagalingan
Heto na siya
O, ang henyo ng henerasyon
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa

Kamukha na niya si Ernie Baron
May biyak din sa gitna ang barong
May kasagutan sa bawat katanungan
Kahit wala namang nagtatanong
'Di bale nang wala siyang kaibigan
Dahil hamak lamang tayong taga-lupa
Gawan na natin siya ng rebulto
Ilagay sa tuktok ng bundok
Heto na siya
Heto na siya
Kaya mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Mga kaibigan, magpalakpakan
Lumuhod sa kanyang harapan
Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan
Heto na siya
Ang pinakamagaling (pinakamagaling)
Ang pinakamagaling (pinakamagaling)
Ang pinakamagaling na tao sa balat ng lupa

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Kjwan

Исполнитель

Imago

Исполнитель

Hale

Исполнитель