Gumising akong mabigat ang loob May guhit ng luha sa 'king pisngi Dahan-dahang bumangon at napatanong Bakit dati hindi naman ganito ang buhay? Sumisilip ang araw sa 'king bintana Naririning ang ingay ng kapit-bahay Ngunit dito, 'sing-gabi pa rin ng kumakapit na dilim Sa salamin, ako'y tumingin Unti-unti kong napansin Na sa dami na rin ng nangyari Halos 'di na makilala ang aking sarili ♪ May mga lumang kanta na naririnig pa Tungkol sa hari, kwarto, tulog, at motel na madrama At ang tinig sa radyo ay galling sa bata Na nagpapanggap nang mama, hindi n'ya lang alam Mahirap palang tumanda ♪ Sa salamin, ako'y tumingin Unti-unti kong napansin Na sa dami na rin ng nangyari Halos 'di na makilala ang aking sarili Sarili ♪ Nakakita ako ng isang litrato Halos 'di na makilala ang batang nakangiti Katulad ng maraming bagay, litrato ko'y kukupas At bukas, isa na lang s'yang malayong alaala Sa salamin, ako'y tumingin Unti-unti kong napansin Na sa dami na rin ng nangyari Halos 'di na makilala ang aking sarili Sarili Sarili Ang aking sarili