Nakita kita sa isang magasin Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green Sa isang tindahan sa may Baclaran Napatingin, natulala sa iyong kagandahan Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dal'wa? 'Di ko inakalang sisikat ka Tinawanan pa kita, tinawag mo 'kong "walang-hiya" Medyo pangit ka pa no'n, ngunit ngayon, hey Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh-oh-oh Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema 'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili Ooh-ooh, pambili sa mukha mong maganda Siguro ay may kotse ka na ngayon Rumarampa sa entablado, damit mo'y gawa ni Sotto Siguro nga'y malapit ka na ring sumali Sa Supermodel of the Whole Wide Universe, kasi Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh-oh-oh Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema 'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili Ooh-ooh, pambili sa mukha mong maganda Nakita kita sa isang magasin At sa sobrang gulat, 'di ko napansin Bastos pala ang pamagat, dali-daliang binuklat At ako'y namulat sa hubad na katotohanan, kasi Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh-oh, oh-oh-oh Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema 'Pagkat kulang ang dala kong pera, kasi Iba na ang 'yong ngiti, iba na ang 'yong tingin Nagbago na'ng lahat sa 'yo, oh-oh-oh Sana'y hindi nakita, sana'y walang problema 'Pagkat kulang ang dala kong perang pambili Ooh, pambili sa mukha mong maganda