Ooh, ooh, ooh, ooh Kahit lumalamig ngayon ang hangin Walang karoling na gumigising sa pagkakahimbing Kahit naglalakad at nagmamasid Walang mukhang nakangiti nakikita sa daan Biglang nagbago ang dating takbo ng bawat araw Hindi magawa ang nakagawian Kaya sisimulan ang bagong paraan Para tuloy ang pagdiriwang Tuloy ang pasko Tuloy ang pag-ikot ng mundo Tuloy-tuloy pagdaloy ng pag-ibig mo 'Di mapipigil ng kahit anuman Ang pag-asa, ang magandang balita Dahil ang puso mo ang diwa ng pasko Kahit puno ng takot ang paligid Matapang na naglilingkod, tinataya ang sarili Kahit kinakapos, kakaunti lang ang mayro'n Hinahandog ito sa nangangailangan Biglang nagbago ang dating takbo ng bawat araw Hindi na tama ang nakagawian Kaya sisimulan ang bagong paraan Para tunay ang pagdiriwang Tinatanaw ko na ang bukas Kung sa'n bawat puso ay bukas Payapa at panatag Mahal sa buhay ay ligtas Kung saan ang lahat ng nilalang sabay-sabay kakanta Puso sa puso (puso sa puso) Maligayang pasko (maligayang pasko) Ang Diyos, dumating na (Diyos ay dumating na) Tuloy ang pasko (tuloy ang pasko) Tuloy ang pag-ikot ng mundo Tuloy-tuloy pagdaloy ng pag-ibig mo 'Di mapipigil ng kahit anuman (tuloy ang pasko) Ang pag-asa, ang magandang balita Dahil ang puso mo ang diwa ng pasko 'Di mapipigil ng kahit anuman (tuloy ang pasko) Ang pag-asa, ang magandang balita Dahil ang puso mo, pag-ibig mo Hindi nagbabago ang diwa ng pasko Tuloy ang pasko Tuloy ang pasko