Natambakan man ng basura ang paligid mo Di ko kayang hakutin yan Wag lang mabalitaan na ang puso mo'y naputikan Dahil kaya kong linisin yan Natrapik ka pauwi ng Marikina Di ko alam ang shortcut diyan Pero kung nagkabuhol-buhol ka sa pag-ibig mo Ako ang bahala diyan Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tagapagtanggol ng mga pusong sawi Ako ang mandirigma ng pag-ibig Gagamutin ko ang masakit mong dibdib Nanakawan daw ang kapitbahay mo Pulis nang bahala diyan Maliban na lang kung pag-ibig mo ang nanakaw Kaya kong isauli yan Nasusunog daw ang planta ng yelo Di ko kayang maging bombero Pero kung napaso ang iyong pag-ibig Kaya kong hilumin yan Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tagapagtanggol ng mga pusong sawi Ako ang mandirigma ng pag-ibig Gagamutin ko ang masakit mong dibdib Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tagapagligtas ng pusong naaapi Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tatanggalin ko ang bakas na mapait Nahuli ka ng pulis dahil kumaliwa ka Di ko kayang aregluhin yan Pero kung nangaliwa ka sa misis mong maganda Handa na ang pampiyansa mo sapagkat Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tagapagtanggol ng mga pusong sawi Ako ang mandirigma ng pag-ibig Gagamutin ko ang masakit mong dibdib Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tagapagligtas ng pusong naaapi Ako ang mandirigma ng pag-ibig Tatanggalin ko Gagamutin ko Tatanggalin ko ang bakas na mapait Ang bakas na mapait Ang bakas na mapait