Balak kong yayain kang lumabas Kahit suot ko'y tshirt at maong na kupas Maglalakad kahit medyas ko'y magkabutas-butas Makita lang, matanaw lang ang ganda mong likas Magiipon, magtitipid kahit hindi kumain Maglalakad ako pagkat ang pera koy bitin Lahat ay gagawin para sayo o aking bituin Gusto ko sanang madalaw ka sinta Kaso mahal na ang gasolina Gusto ko sanang gawing prinsesa ka, Kaso mahal, mahal na mahal ang magmahal sinta Madaling sabihin, "lahat ay kaya nating abutin" Kung salat sa pera, paano nga ba iisipin. Giginhawa tayo Giginhawa tayo Anong ginagawa ng bayan natin Ang kayamanang sariling atin, Kung kailngan pagipunan ang regalong pang world class ang dating Mananatili ba tayong alipin? Giginhawa ba tayo Pagkat lahat ay gagawin, o aking bituin Gusto ko sanang madalaw ka sinta Kaso mahal na ang gasolina. Gusto ko sanang gawing prinsesa ka, Kaso mahal, mahal na mahal ang magmahal sinta Gusto kong yayain kang lumabas Kaso ayoko na, bibili nalang ako ng bigas.