Ako ang Perlas ng Silangan Ako ang Perlas ng Silangan Ako ang Perlas ng Silangan Ako ay paraiso sa timog-silangang Asya Kapuluang puno ng grasya Talumpung milyong ektarya Kalupaang siksik sa sustansya Nagkalat aking mga kabundukan Karamihan mga dating bulkan Kaya lupa'y mataba maging sa kapatagan Nagpapalago ng mga halaman Mayabong aking mga kagubatan Sa bunga at kahoy ay mayaman Sa mga mineral hindi rin pahuhuli Ako'y kumikinang sa ilalim ng dumi Malawak aking mga karagatan Mga ilog ay mga ugat ng aking katawan Naghahatid ng mga yamang tubig Kayang dumilig ng mga bukid Ako'y kinukumutan ng klimang tropikal Kaya samu't saring buhay sa piling ko'y hiyang Samu't saring hayop, samu't saring halaman Ang namumuhay sa alaga kong bakuran Sapat aking lawak, lalim, at laman Sapat aking likas na kayamanan Sapat upang masaganang kabuhayan Ay makamtan ng tanan kong taumbayan Sapat aking lawak, lalim, at laman Sapat aking likas na kayamanan Sapat upang masaganang kabuhayan Ay makamtan ng tanan kong taumbayan Pa'no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan? Pa'no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan? Pa'no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan? Pa'no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan? Ako ang Perlas ng Silangan Ako ang Perlas ng Silangan Ako ang Perlas ng Silangan Mayamang sadlak sa kahirapan Ako ang Perlas ng Silangan Ako ang Perlas ng Silangan Ako ang Perlas ng Silangan Mayamang sadlak sa kahirapan