Kishore Kumar Hits

Stick Figgas - Lamanloob текст песни

Исполнитель: Stick Figgas

альбом: Realistick


Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
Malamang akoy mapapagkamalang walang pusong nilalang
Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
Mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang
Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang
Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang
Sunod-sunuran naman ako sayo lagi nalang ba tayong ganito
Sabi ng iba wag ko na nga lang daw isipin
Dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin
Kinanta mo sa akin ang lahat ng lihim
Kapalit ng sarili kong handang magpa-alipin
Para lang mga pangarap kong matagal ng nakabitin
Gawing katotohanan pagkagising
Sa gutom at gigil hakbang akoy pasugod
Walang alam sa kung anong pwedeng mangyari kasunod
Biglang dating ng eksenang ngayon ko lang napanuod
Ang masamang aso'y muli na namang nagpakabusog
Nangangahulugang walang may kayang mag-isa
Kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila kung may nahuli ka
Mga aral ata'y napupulot lamang kapag nasa sahig ka na
May mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto
Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob
Kanino nga ba ko susunod?
Tingin paloob!
Sunod-sunuran na naman ako sayo
Lagi na lang ba tayong ganito?
Sabi ng utak ko sakin
Wag ko na lang damdamin
Isipin ng mabuti ang bawat hakbang ng gagawin
Kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo
Punuin mo ng kaalaaman yang ulo mo katoto
Di na pwede yung tulad ng dating puro na lang oo
Uulitin lang kung ano itinuro parang loro sa bokabularyo ko
Hindi na uso ang bumoto sa gobyernong
Walang aasahang tulong at saklolo
Bat di ka mag isip mag -isa
Matutu kang magsolo di pwedeng puro palakpak dapat una muna
Pondo ubod ng metikuloso na ang utak ko
Ayoko na kasing akoy maisahan madugas o maloko
Natuto nako sati nung binuhos ko ng todo ang lakas at ang tiwala ko sa puso
Ko na bobo!
May mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto
Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
Madumi nga lang ba ang utak o
Baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
Tingin paloob!
Wag matakot sa nararamdaman sundan mo sundan mo
Sundan mo sundan mo woooooh
Ang kasaguta'y nasa isip mo lang
Buksan mo bukasan mo
Buksan mo bukasan mo woooohhhh
Wala ng natira ni katiting na porsyento nglakas para makapag-isip
Ng direcho kaialngan kong prumoseso
Kung may magtuturo lang ng tunay
Na mag-uugnay sa akin patungo sa templo
Nag-uumapaw sa utak mga ideya at konsepto
Retoke paulit-ulit imposibleng makuntento perpekto na ang plano
Bawat detalye at kumpleto pero wala
Kong lakas ng loob gawing konkreto
Sinusod ko nga ang puso at ang utak
Sinuway binusog ko ang damdamin
Ngunit bulsa'y umaray kung legal ang pumaslang marami nakong napatay
Wala na nagang puso sunog pa ang baga pati atay
Napakapit kay iany ang pasamado
Kong kamay mga payo ni itay tangi kong gabay
Sa puso mo ipasok at sa isip ilagay
Kung iak'y nalilito gamitin mo ng sabay kasi
May mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto
Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo
Madumi nga lang ba ang utak o
Baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?
Tingin paloob!
Wag matakot sa nararamdaman sundan mo sundan mo
Sundan mo sundan mo woooooh
Ang kasaguta'y nasa isip mo lang
Buksan mo bukasan mo
Buksan mo bukasan mo woooohhhh
Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko
Malamang akoy mapapagkamalang walang pusong nilalang
Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko
Mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang
Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang
Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang
Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Dello

Исполнитель

Kjwan

Исполнитель

Apekz

Исполнитель