Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad Tila may kumpas ang bawat hakbang Natutong sumayaw sa sariling paraan Sa bawat tugtog na alam Hindi naman sa ako'y nagmamayabang Kailan ma'y hindi pa natanggihan Mahusay magdala at tila napakagaan Sa hangin, parang lumulutang Maraming kapareha na sa akin nagdaan Pagkatapos ng tugtog, nalilimutan Ngunit nang makita s'ya sa sayawang ito Nanlambot ang tuhod at natorete na pati paa ko Panaginip kita, mahal na prinsesa Minsan sana'y makapareha Ibibigay ko pati puso ko Para lamang makasama ka Makapareha ka Mahal na prinsesa Dahan-dahang nilapitan ang dilag na ito At mapormang sinayaw sa gitna Umikot nang umikot at nakakahilo Lahat ng tao'y tulala Iisa ang kapareha sa buong magdamag 'Di ko s'ya mapagod at hindi matagtag 'Di ko maiwanan at 'di rin mabitawan Tuloy-tuloy ang kapit hanggang sa mauwi na sa simbahan Panaginip kita, mahal na prinsesa Minsan sana'y makapareha Ibibigay ko pati puso ko Para lamang makasama ka Makapareha ka Mahal na prinsesa Mula noong kami'y sa simbahan naglakad Magkasama na sa araw at gabi May iilang mga supling na ngayo'y nadagdag Na sumasayaw na rin sa tabi