Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay 'Di maiwasang gumawa ng 'di inaasahang bagay Laklak nang laklak ng beer na magdamagan May kahirapan at 'di maiwasan Mabuti pa kaya Matulog ka nalang at baka sumakit ang tiyan Ang araw ko'y nabubusisi ako ang nasisisi Bakit ba sila ganyan? Ang pera ko ay 'di magkasiya Hindi makapagsine at ayaw namang dagdagan Ubos na rin ang beer, kaya kape na lang Lahat sinusubukan kahit walang pulutan Ang buhay ng tamad Walang hinaharap ni konting sarap man lang Radyo, TV at mga lumang komiks Wala nang ibang, mapaglibangan At kung mayro'n kang tatawagan Phone card nalang ang makakaltasan Ah, ah Mahirap talaga magmahal ng siyota ng iba Hindi mo mabisita kahit na okay sa kanya Mahirap, oh mahirap talaga Maghanap nalang kaya ng biyuda Ngunit kapag aking makita ang kanyang mga mata Nawawala ang aking pagkadismaya Sige lang, sugod lang Oh bahala na, bahala na kung magkabistuhan pa I-dial mo ang number sa telepono 'Wag mong ibigay ang tunay na pangalan mo 'Pag nakausap mo siya'y sasabihin sa'yo "Tumawag ka mamaya nandito siyota ko" Whoa, whoa, whoa Mahirap talaga ang magmahal ng iba Oh sakit ng ulo maniwala ka Ngunit kahit ano pang sabihin nila Iwanan siya'y 'di ko magagawa ♪ Oh mahirap humanap ng iba Oh sakit ng ulo maniwala ka Ngunit kahit ano pang sabihin nila Iwanan siya'y 'di ko magagawa Pumapatak na naman ang ulan Iwanan siya'y 'di ko magagawa Pumapatak Pumapatak Iwanan siya'y 'di ko magagawa Aha Aha Aha Aha-ha-ha-ha Oh, yeah