Ang palad nati'y gulong lamang Na ikot ng ikot Habang nabubuhay Sa takbo na patalbog talbog Magsanay na tayo Na wag malulungkot Kung minsa'y palapit Kung minsa'y palayo Ang palad ay gulong Na ayaw huminto Kung minsa'y pababa Kung minsa'y pataas Tayo'y na sa gulong Nitong palad May araw At may gabi lagi Magkasunod lamang Ang tuwa't dalamhati Ngunit dapat tayo'y magtimpi Hirap ay kay haba Ginhawa'y kay ikli Kung minsa'y palapit Kung minsa'y palayo Ang palad ay gulong Na ayaw huminto Kung minsa'y pababa Kung minsa'y pataas Tayo'y na sa gulong Nitong palad Sa takbo ng palad mo tuwina Dapat humanda kung mapailalim ka Ang buhay wari'y balintuna Tawa ka ng tawa Mamaya'y lumuha Kung minsa'y palapit Kung minsa'y palayo Ang palad ay gulong Na ayaw huminto Kung minsa'y pababa Kung minsa'y pataas Tayo'y na sa gulong Nitong palad Sa buhay na pag na malaman Ang bighati labis Kaysa kagalakan Ang palad nati'y gulong lamang Na ikot ng ikot Habang nabubuhay