Panahon na naman ng Pag-ibig at mukhang marahan Ang oras ay lumilipas Hindi ko malaman kung bakit Parang napag-iiwanan Na ko ng kapaligiran Sino bang may sabing Kailangan mo ng Kasabay maglakad sa daan Hawak na kamay patungo sa paroroonan Dahil ang totoo'y kaya ko, kaya mo Mabuhay sa mundo Nang walang kapareho Huwag hayaang diktahan ng Kaisipan ng iba ang kasiyahan mo 'Di lang romansa ang pag-ibig sa mundo Alam kong mahirap 'wag tingnan At 'di mangarap sino ba naman Ang hindi matutukso kung sa bawat lingon mo May nag-iibigan May nagsusumpaan Bago ka magmahal Siguraduhin na Hindi malilimutan ang iyong halaga At huwag pahintulutan Na umikot ang buhay sa isang Taong pwedeng mawala Dahil ang totoo'y kaya ko, kaya mo Mabuhay sa mundo Nang walang kapareho Huwag hayaang diktahan ng Kaisipan ng iba ang kasiyahan mo 'Di lang romansa ang pag-ibig Sa mundo kung saan nakabibighani Ang ideya ng pagmamahalang bukod-tangi Kaya marami ang nagbabakasakali Baka ito ang sagot sa dalamhati Madalas tuloy malimutang Hindi sagot sa kalungkutan Ang pagtayang hindi pinagiisipan Umaasang matagpuan ang inilaan Upang tabunan ang mga butas Na maaari namang punan Ng kalinga mula sa mga taong nais kang umahon Kung hindi pa kayang maglakad ay simulan sa pagbangon Sa dinami-rami ng dahilan para ngumiti Ba't mas pinipili ang manatili sa kahapon Pero ang katunayan Ay hindi talaga mag-isa Sadyang lang magkaiba Ang inaasam sa kailangang aruga Arugang alam ingatan ang sarili At sa kada hakbang Walang tigil ipaparamdam Na hindi ka nag-iisa Dahil ang totoo'y kinakaya ko at kakayanin mo Nang walang kapareho Pagtuunang matutunang 'Di tira-tirang pagmamahal lang ang Dapat ilaan sa'yo Kundi ang mundo Pa'no maibibigay sa iba ang bagay na wala ka Ang pag-ibig ay 'di lang romansa