Ms. Chubby na masungit, 'wag kang magpapaakit Sa aking mga awit na iyong naririnig Subalit ubod ng kulit, puso ko'y nanginginig Dalangin ko'y 'wag mawaglit, kahit man lang isang saglit Pero teka, teka lang, ano ba 'tong nangyayari? Nahuhulog na ako, wala man lamang siyang pasabi Mga letra'y binanggit, tila sa puso'y nadikit Hinding-hindi ipagkakait, sigaw ng puso natin ay pag-ibig Kahit na anong gawin, mamahalin ka pa rin Kahit na anong sabihin, sa puso ko'y ikaw pa rin Kahit na madagdagan ang 'yong timbang sa kakakain Asahan mong pag-ibig ko'y sa 'yong sa 'yo pa rin Ms. Chubby (sa 'yo at sa 'yo pa rin) Ms. Chubby 'wag masungit, ako ay naaakit Sa iyong mga awit at tamis ng 'yong ngiti Subalit ubod ng pait 'pag ika'y nagsusungit Mga ngiti'y nawawaglit, ang dulot sa 'kin ay pasakit Pero teka, teka lang, ano ba 'tong nangyayari? Nahuhulog na ako, wala man lamang siyang pasabi Mga letra'y binanggit, tila sa puso'y nadikit Hinding-hindi ipagkakait, sigaw ng puso natin ay pag-ibig Kahit na anong gawin, mamahalin ka pa rin Kahit na anong sabihin, sa puso ko'y ikaw pa rin Kahit na madagdagan ang 'yong timbang sa kakakain Asahan mong pag-ibig ko'y sa 'yong sa 'yo pa rin Ms. Chubby (sa 'yo at sa 'yo pa rin) 'Wag mong iisipin na ikaw ay nilalait 'Wag ka nang magsusungit, sige, ikaw rin ang papangit Madamay man sa pagtaba, ako'y naniniwala Na ang pag-ibig na wagas ang siyang sa 'tin ay tinadhana Ms. Chubby, oh (ako at sa 'yo) Ms. Chubby