Kishore Kumar Hits

Ang Bagong Luto Ni Enriquez - Nobenta текст песни

Исполнитель: Ang Bagong Luto Ni Enriquez

альбом: Nobenta


Naglalaro na naman sa ilalim ng ulan
Tagu-taguan sa kabilugan ng buwan
Tawanan at kwentuhan
Walang katapusan

At pagkagising sa umaga
Tinatawag ka na ng barkada
Kay tamis ng nakaraan
Oh, kabataan ko nga naman
Papasok na naman ako sa eskuwelahan
Tanong ni Nanay at ni Tatay
"Mayroon ka bang natututunan?
O baka si crush, maghapon mo lang tinititigan?"

At pagkagising sa umaga
Handa na ang almusal ni Mama
Kay sarap ng nakaraan
O kabataan ko nga naman
Pagala-gala sa kalsada
Si haring araw ay kasama
At ang hanging mahiwaga
Kapatirang puno ng halaga
Oras na ng mirienda
Tinatawag ka na ni Lola
Kakain na
Ta-tara na
Kakain na
Ta-

At pagkagising sa umaga
Naalala ang dekada nobenta
Kay sarap namang balikan
Oh, kabataan ko nga naman
Bigla ko nalang nakita
Ang litrato ng buong pamilya
Isang tirahan, sama-sama
Ang bawat isa'y mahalaga
Oras na ng hapunan
Wala na namang kasama

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители