Kishore Kumar Hits

Asop - Ikaw Na Lang Mag-drive Ng Buhay Ko текст песни

Исполнитель: Asop

альбом: ASOP Year 4

Nangahas ako i-drive ang buhay ko
Laging sumesemplang at nabibigo
Pa'no kasi, kay dilim ng tinatahak ko
Aandap-andap pa'ng headlight ko

'Di makapreno sa layaw at bisyo
Gusto ko mang ihinto, nahihirapan ako
Nakikiusap sa Iyo, ako'y saklolohan Mo
Manibela ay hawakan Mo
Oh Diyos, Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko (oh Diyos, Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko)
'Pagkat mas nalalaman Mo ang dapat na tahakin ko (sa Iyong kamay)
Sa 'Yong mga kamay, oh Diyos, 'tinitiwala ko
Ang buhay ko na nagmula sa 'Yo

Dinggin Mo, oh Diyos, ang dalangin ko
Sa biyahe ng buhay, ako'y samahan Mo
Malubak man ang daan, tuloy pa rin sa pagtakbo
Dahil nandiyan Ka na driver ko
Oh Diyos, Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko (oh Diyos, Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko)
'Pagkat mas nalalaman Mo ang dapat na tahakin ko (sa Iyong kamay)
Sa 'Yong mga kamay, oh Diyos, nasisiguro ko
Mararating ko ang Paraiso

Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители