Oh-whoa Na-na-na Paruparo sa aking tiyan Naglalaro, 'di mapigilan Nauutal kahit 'di ka kausap Lumalayo kahit 'di kaharap Ooh, bakit ba hanggang dito lang ang Dulo ng aking hakbang? Lapitan ka'y malabo, kaya hanggang Nakaw-tingin lamang ako Pinagmamasadan ang bawat ikot mo Ligaw-tingin lang ba ako? Bumabagal ang ikot ng aking mundo Guniguni ng aking isipan Titig mo inaabangan Naiilang kahit 'di ka kilala Nagtatago kahit 'di mo 'ko kita Ooh, bakit ba hanggang dito lang ang Puso, inaangkin ka? Lapitan ka'y malabo, kaya hanggang Nakaw-tingin lamang ako Pinagmamasadan ang bawat ikot mo Ligaw-tingin lang ba ako? Bumabagal ang ikot ng aking mundo Kahit ako'y 'di mo pansin Patuloy kitang mamahalin Palihim, kahit na ako'y Nakaw-tingin lamang ako Ligaw-tingin lang ba sa 'yo? Nakaw-tingin lamang ako Ligaw-tingin na lang sa 'yo