Lahat ng hapdi'y nakalimutan Pinawi maging ang kalungkutan Makapigil-hininga na kagandahan Uunahin ka maging kahit kanino man Bukang-liwayway sa kalupaan Tila abot-kamay na ang kalangitan Tunay ngang wala kang kapintasan Kung ako'y hahayaan, hindi ka na bibitawan Oh, kay tagal kang hinintay Napagod kong puso'y sa 'yo na mahihimlay Dalangin, oh, aking dalangin Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo Yakapin, hayaang yakapin Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko ♪ Hiwaga na hindi namamaalam Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan Maaari bang sa piling ko'y manahan? Natatanging kayamanang matuturing na tahanan Oh, kay tagal kang hinintay Napagod kong puso'y sa 'yo na mahihimlay Dalangin, oh, aking dalangin Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo Yakapin, hayaang yakapin Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko ♪ Dalangin, oh, aking dalangin Ang oras ay humihinto sa tuwing tayo'y magkakatagpo Yakapin, hayaang yakapin Sa oras na ika'y bigo, sa 'yo'y hinding-hindi susuko Hinding-hindi susuko