Paruparo Kay gandang pagmasdang paruparo Hiwagang taglay ng anino Kay ningning ng labi, oh, paano? Paruparo Kay gandang pagmasdang paruparo Ngiting malabituin, oh, kanino? Tamis na nagmula sa 'yo Namumulaklak, sayang namumukadkad Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan 'Di mapapantayan, 'di mapapalitan Dalhin mo ako sa dilim Sa tagong palasyong nasa salamin Oh, dalhin mo ako sa dilim Habang dahan-dahang mundo'y angkinin Paruparo Kay gandang pagmasdang paruparo Init ng mga kapit mo Oh, dinadala ako Namumulaklak, sayang namumukadkad Huli'y nadudugtungan, simulang palaisipan 'Di mapapantayan, 'di mapapalitan Dalhin mo ako sa dilim Sa tagong palasyong nasa salamin Oh, dalhin mo ako sa dilim Habang dahan-dahang mundo'y angkinin Oh, tila paulit-ulit mo akong inaakit Kaya't hayaang ika'y dalhin Sa kalawakang 'di napapansin Lapit, init, lambing sa 'yong kapit Mga mata'y tila sa aki'y umakit Ikaw ang una, gitna at hulihan Hanapin ang diwa magpakailanman Lambing ng 'yong hangin Ikaw ang aking munting dalangin Lunurin sa 'yong kahiwagaan Puso'y wala namang kalaban-laban Ikaw ang binhing paninindigan Kahit guni-guning 'di maintindihan