Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan Nating dalawa, nating dalawa Tanaw pa rin kita, sinta Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala Sa tuwing nakakasama ka Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata 'Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay Gabi'y tumatamis t'wing hawak ko ang iyong kamay Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan Nating dalawa, nating dalawa Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan (sa katawan) Daig pa rin ng liyab na aking nararamdaman Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo (magkabilang mundo) Isang tingin ko lang sa buwan, napalapit na rin sa iyo Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali Buong paligid ay nasasabik sa 'ting halik Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan Nating dalawa, nating dalawa Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan ♪ Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan Nating dalawa, nating dalawa Halika na sa ilalim ng kalawakan (kalawakan) Samahan mo akong tumitig sa kawalan Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan (saksi ang buwan sa pagmamahalan) Nating dalawa, nating dalawa