'Di ba nga ito ang 'yong gusto? Oh, ito'y lilisan na ako (whoa, hey, hey, hey) Mga alaala'y ibabaon Kalakip ang tamis ng kahapon Mga gabing 'di na namalayang oras ay lumilipad Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad Bawat kilig na nadarama sa t'wing hawak ang 'yong kamay Ito'y maling akala, isang malaking sablay Pasensiya ka na sa mga kathang-isip kong ito Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo Ako'y gigising na sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa- ♪ Kung gaano kabilis nagsimula Gano'n katulin nawala Maaari ba tayong bumalik sa umpisa Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa? Pasensiya ka na sa mga kathang-isip kong ito Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo Ako'y gigising na sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa- Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana Minsan, s'ya'y para sa iyo, pero minsan, s'ya'y paasa Tatakbo papalayo, kakalimutan ang lahat (kalimutan ang lahat) Ooh-ooh-ooh (kalimutan ang lahat) Ooh-ooh-ooh (kalimutan ang lahat) Ooh-ooh-ooh (kalimutan) ♪ Pero kahit sa'n man lumingon Nasusulyapan ang kahapon At sa aking bawat paghinga Ikaw ang nasa isip ko, sinta Kaya't pasensiya ka na sa mga kathang-isip kong ito (pasensiya na) Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa- Lalayo sa 'yo, lalayo sa 'yo Lalayo sa 'yo, lalayo sa 'yo Lalayo sa 'yo, lalayo sa 'yo