Pambansang piitan Muntinlupa ang pangalan Sa mata ng lipunan, Puro ka lang kaguluhan Naging paksa ka ng usapan Laman ka ng mga pahayagan Ano ang 'yong naging katanyagan? 'Di ba pawang kasamaan? Muntinlupa, O Muntinlupa Labis ka nang hinamak ng madla Ngunit nang si Jesus sa 'yo'y naghimala Mga taong nasa laya ay namangha Muntinlupa, o Muntinlupa Pook ka ngayon ng hamon at pagpapala Mga bilanggong dati nga ay masama Ngayo'y naghahayag ng mabuting balita Pambansang piitan Pook na aming kinasadlakan Ng dahil sa kasalanan Sa Diyos at sa lipunan Ngunit dito sa bilangguan Natamo namin ang kaligtasan, Kagalakan, kapayapaan, Buhay na pang walang hanggan Muntinlupa, o Muntinlupa Sa ngalan ni Jesus, ikaw ay naging payapa At tulung- tulong ang mga mananampalataya Sa pagpupunla ng kanyang salita Muntinlupa, o Muntinlupa Jerusalem ka pala na mga pinagpala Pook na dati ay aming kinahihiya Ngayo'y aming dinadakila Muntinlupa, O Muntinlupa Labis ka nang hinamak ng madla Ngunit nang si Jesus sayo'y naghimala Mga taong nasa laya ay namangha Muntinlupa, o Muntinlupa Jerusalem ka pala ng mga pinagpala Pook na dati aming kinahihiya Ngayo'y aming dinadakila Muntinlupa, o Muntinlupa Jerusalem ka pala ng mga pinagpala Muntinlupa, o Muntinlupa Jerusalem ka pala ng mga pinagpala